BIG... BOLD... and simply the BEST Wedding Planner! =)

Showing posts with label A1 POEMS By Angel MEG. Show all posts
Showing posts with label A1 POEMS By Angel MEG. Show all posts

15 August, 2008

LOVE'S PARADISE By Angel MEG (AN's Best Wedding Planner In Tagaytay, Cavite =)































LOVE'S PARADISE By Angel MEG =)
(A POEM FOR MY DEAREST APPLE & NIL)

Overwhelmed
with the perfumed PINK blossoms
of your one true love,
I feel your every whims
as we keep on swayin'
for your wedding
that calmly wanders
in the serene GREEN grasses
of Tagaytay Garden.

The distant BLUE hills
are even singing a lullaby
as our new found friendship
ripples through
the very lovely nature.

Blest is your bridal hour...
Blest is your bridal hour...
Blest is your bridal hour...
YOUR LOVE' S PARADISE.


I will give my best on your wedding, don't worry.
Wow! Yours is my 101st wonderful event
already in Tagaytay! =)
With God's grace,
your wedding will surely be spectacular.

SHALOM!

02 August, 2008

A POEM FROM A DEAR FRIEND! Touched Ako!!! =)

















The Wedding Planner

She plans
She modify
She teach
She execute

She groom
She beauty

She smiles
She breath
She laugh
She cries

She's single and not taken
She is a wedding planner

She is Meg!

--
RTB
Co-Host...

31 July, 2008

POEM TIME: Traje de Boda =)















Mabuhay! =)

Tayo nga bang nasa mundo ng "Dakilang Kasalan" ang pinaka-romantiko sa
mundo? Hindi nga ba't umiikot ang ating mga mundo sa ngalan ng
Pag-ibig? Ahhh! May panahon pa nga ba tayo para itula ang Pag-ibig na
ito?

TRAJE DE BODA
Ni Angel MEG

Ako ang Traje de boda.
Ikaw naman ang ikakasal.
Buong luwang kitang inangkin at niyakap
Sa araw ng iyong pagdalaw sa mailaw na altar.
Iyon ang unang pagkakataon.

Natatakot kasi ang pamilya mo sa pagbisita ng malas.
Kaya kahit may kabog sa iyong dibdib,
Tila may di maintindihang pakiramdam nang
Ako ay una mong pinagkatiwalaan
Sa paghatid ko sa iyo sa gitna ng simbahan,
Sa gitna ng mga mata ng mga kakilala,
Sa gitna ng mga matang mapanuri,
Sa gitna ng mata ng Diyos.

Hinayaan kitang magningning,
Magliwanag katulad ng mga chandelier
At stained glass sa paligid.
Kahit alam kong may ibang aangkin sa iyo
Pagkatapos ng ritwal na ito,
Hindi kita iniwanan para lang mapahiya,
Nanatili akong perpekto,
Nagasgas man ang ilalim sa putik at yapak,
Namantsahan man ng keyk at alak,
Naluhaan man ng iyong sariling luha,
O napunit sa inyong unang gabi.

At iyon na rin marahil ang huling pagkakataon.
Alam kong pagkatapos ng araw na iyon,
Hindi mo na ako muling kakamustahin.
Ang iyong paghubad sa akin ay tanda lang
Ng iyong paghakbang sa buhay, katulad ng
Paghakbang natin papuntang dambana.
Lilipasan ako ng gabi at umaga, mangungupas,
At pakikiramayan ng ipis at agiw.
At kung sakaling mapansin mo ulit ako,
Alam kong dito lang ang magiging katapusan:
Sa isang bulok na arkilahan,
Sa bagong magpapakasal,
Sa isang basurahan.

- Angel MEG =)



A Wedding Poet este Planner in Laguna,

Angel MEG =)
09163763718
http://angelmeg9.blogspot.com

POEM TIME: Kalapati sa Kasalan =)














Paano nga kaya ang buhay ng kalapati tuwing sasapit ang araw na
pinaka-aasam asam ko... ANG KASALAN! =)

Kalapati sa Kasalan

Ni Angel Meg

Nakangiti ang lahat sa kasalan
Maliban sa dalawang puting kalapati.

Di pansin ng mga bisita ang kanilang

Di pagkurap o pagpiglas man lang

Habang nasa loob ng magarang kulungan.

Nag-iisip ng malalim, marahil
Kung paano nila ipapagaspas

Ang pakpak ng kanilang kinabukasan.
Kung paano ang buhay sa labas ng rehas
Na di nila kailanman kinasanayan.
Kung paano lumalagpas
At nagtatapos ang ganitong ritwal.

Inilabas na sila sa hawla,
Ipinagpahinga sa mga palad,

Ihinalik sa huling pagkakataon,

At saka pinalaya sa espasyo ng mundo.

Magkaibang direksiyon ang kanilang niliparan...

Pagpalain nawa silang magsama magpakailanman.

Sana po ay magustuhan ninyo. Mabuhay tayong lahat! =)